-- Advertisements --
image 585

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng aabot sa 7 hanggang 10 na katao ang nasa likod ng pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa isang ambush interview sinabi ni Remulla na posibleng isang organisasyon ang nasa likod ng karumaldumal na pamamaslang at patuloy pa nila itong pinag-hahanap.

Ito ay sa kabila ng patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng gobyerno kasunod ng pagpaslang kay Degamo.
Una ng sinabi ng kalihim na nakikitaan nila ito ng isang “Pattern of Impunity ” sa probinsya.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation ang 10 suspek sa pagpatay kay Degamo.

Nauna nang sinabi ni Remulla na tinitingnan din ng mga awtoridad ang lima hanggang anim na “direct conspirators” sa pagpatay sa gobernador.