-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi pa rin nahanap hanggang sa ngayon ang pito sa labing-isang mga anak at apo ni Tatay Dodong Cabalquinto matapos itong matabunan ng buhay sa rumaragasang putik nang papunta na sana ng evacuation center sa Brgy. Kioya, bayan ng Sibagat, Agusan del Sur.

Aniya, wala nang mas sasakit pa sa isang ama na mawalan ng mga mahal sa buhay sa isang iglap lamang nang manalasa ang malakas na bagyong Odette sa kanilang lugar

Napag-alamang sa 11 niyang mga mahal sa buhay, apat na bangkay pa lang ang natagpuan ng mga rescuers at may isang paa kung kaya’t pito pa ang patuloy pa ring pinaghahanap.

Matatandaang unang pinalikas ng ama ang mga biktima dahil pinapakain pa nito ang kanilang mga alagang hayop at di niya sukat akalaing sa isang iglap lang, ay mawawala silang lahat.