-- Advertisements --

Kabilang ang pitong kailugan sa bansa sa Top 10 na ilog na nagko-kontribute ng mga plastic waste.

Ayon sa pag-aaral na 36 percent ng mga plastic waste na dumidiretso sa karagatan ay mula sa Pilipinas.

Sa inilabas na pag-aaral ng Science Advances journal na sa 466 na ilog sa bansa ay mayroong nakukuhang 356,371 metric tons ng mga tinatawag na “mismanaged plastic wastes” kada taon.

Karamihan din sa mga ilog na may mga basura ay galing Asya na binubuo ng 81 percent na sinundan ng Africa na mayroon 8 percent at South America na mayroong 5.5 percent.

Pito sa 10 ilog na mayroong plastic pollutions sa karagatan ng sa mundo ay matatagpuan sa Pilipinas.

Kinabibilangan ito ng Pasig River, Tullahan River, Meycauayan River, Pampanga River, Libmanan River, Rio Grande de Mindanao at ang Agno River.