La Union – Nakatanggap ng Transitory Family Support Packages (TFSP) ang pitong indibidwal na benepisiario sa Luna, La Union ngayong araw, Setyembre 7, 2023.
Ito ay sa pamamagitan nang Sustainable Livelihood Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) KALAHI CIDSS-RPMO (Regional Program Management Office).
Nakapaloob ang Transitory Family Support Packages ng cash assistance na gagamitin nang mga benepisyaryo para makabili ng mga pagkain at iba pang bagay na makakatulong sa araw-araw na pamumuhay ng mga ito.
Ito ay nasa ilalim ng Sustainable Livelihood Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program,layon ng gobyerno na tulongan ang mga indibidwal at pamilya nang mga iti na makabalik sa mga lugar nila mula nagmulan nilang syudad.
Nais nito ang masiguro nga mayroong silang gagamitin para magsimula muli sa mga probinsya ng mga ito.
Ang pammahagi ng Transitory Family Support Packages sa nasabing lugar ay pinangunahan nila Reysa D. Pilotin-Tigas, Lhara Angelyn T. Tacata, Valentina M. Panos ken Jenny B. Dumaguin manipud DSWD FO1 KC-RPMO.
Nakasama ng Department of Social Welfare and Development ang lokal na gobyerno ng Luna na pinangunahan din ni Mayor Gary N. Pinzon.
Samantala,na-assist naman ang mga personnel ng DSWD sa tulong ng Luna MSWDO na pinangunahan ni Ms. Jeanette T. Padilla ganun din ang presensya nila Mary Anne Sampaga, Social Welfare Aide at Nila NapeƱas, MSWDO staff.