-- Advertisements --

Sumuko sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pitong Indonesian Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers.

Sinabi ni PAOCC Executiver Director at Undersecretary Gilbert Cruz, na kaya sila sumuko ay nakansela na ang kanilang work visa at naubos na rin ang kanilang pera mula ng ipasara ng gobyerno ang operasyo ng POGO sa bansa.

Dagdag pa ng opisyal na ang mga sumuko ay kinabibilangan ng limang lalaki at dalawang babae na sila ay nagtago ng isa-isang ipinasara ng gobyerno ang mga POGO.

Palipat-lipat din aniya ang kanilang mga lugar kung saan sila nagtatrabaho mula Pasay City, Paranaque, Makati at maging sa Cavite kung saan sangkot din ang mga ito sa pang-i-scam.

Kasalukuyang nasa kustodiya na sila ng PAOCC at sasailalim sa debriefing bago dalhin sa Bureau of Immigration para sa profiling.

Nakipag-ugnayan na rin ang PAOCC sa Embahada ng Indonesia sa Pilipinas para sa pagpapa-uwi sa mga ito.