-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot na sa 24 oras ang paghahanap ng mga elemento ng Lanao del Norte Provincial Police Office at 5th mechanized Phil Army laban sa isa inmate na pumuga, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Lanao del Norte Povincial Police spokesman Pol Major Salman Saad ang nakatakas na inmate na si Abdul Rasak Moto Panguntungan, 23-anyos, may kasong murder at attempted murder.

Sinabi ni Saad na patungo sana sa korte ng Iligan City ang walong inmates at silang lahat ay nagtanggang tumakas nang silang pinakain ng agahan ng mga jail officer sa bahagi ng Bacolod

Mabilis na nahuli ang pito subalit maripas ng takbo ang pugante na si Panguntungan.