-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot sa pitong libo na personahe ng Davao City Police office ang ipapakalat para sa pagdiriwang ng Pasko Fiesta ngayong disyembre. Ayon kay PMaj. Catherine Dela Rey, sa nasabing bilang, 600 nito ang mga auxiliary na ipapakalat sa 41 na mga simbahan sa lungsod, para sa Simbang Gabi na magsisimula ngayong December 16, 2022.

Inaasahan na rin ng DCPO, ang dagsa ng mga tao sa ‘Pahalipay sa Taal’ na isasagawa kada Desyembre 25. Ang Pahalipay sa Taal, isinasagawa taun-taun bilang gift-giving tradisyon sa mga Duterte family sa ancestral house ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Taal Road, Central Park Subdivision sa Barangay Bangkal, pero nahinto ito nitong nakalipas na dalawang taon dahil sa Covid-19 pandemic.

Inaasahan din na mag tatalaga ang DCPO ng police visibility sa mga mall, terminals at simbahan. Sa kabuuan, tinatayang nasa 85% na personahe ng PROXI itatalaga para sa seguridad habang ang naiiwanh 15% ang mananatili para sa administrative tasks.