-- Advertisements --

Nasa pitong bata ang nasawi dahil sa air strike ng Nigerian army.

Ayon kay Maradi region Governor Chaibou Aboubacar na apat sa mga biktima ang agad na nasawi habang tatlo sa kanila ang nasawi na sa pagamutan.

Target ng mga sundalo sa airstrikes ang mga bandidong grupo.

Nagsagawa kasi ng joint military operations ang Niger at Nigeria laban sa mga armadong grupo na nasa likod ng malawakang pagdukot at pagpatay sa rehiyon.

Mula pa noong 2018 ay pinaigting ng military ang kanilang pagpapatrolya sa border nila ng Nigeria para mapigilan ang mga armadong grupo.