BAGUIO CITY – Isinasailalim na sa court-martial ang pitong kadete na suspek sa pagmaltrato kay Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio na nasawi sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) noong September 18, 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo-Baguio kay PMA Capt. Cheryl Tindog, sinabi niyang isinumiti na sa national headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang resulta ng imbestigasyon.
Sinabi niyang inilipat na sa kustodiya sa national headquarters ng AFP ang pitong kadete para sa general court-martial na kinabibilangan ng iba pang opisyales ng PMA na suspek sa pagkasawi ni Dormitorio.
Isinasailalim sa court-martial ang mga suspek dahil sa kanilang kasong administratibo, partikular sa paglabag sa Articles of War 96 o conduct unbecoming an officer and a gentleman lalo na’t itinuturing na ang mga ito na kasapi ng militar.