CAUAYAN CITY- Inaresto ang 7 kalalakihan matapos na mahuling nagtutupada o ilegal na nagsasabong sa isang Compound sa Prenza Highway, Brgy. District 1, Cauayan City.
Ang mga suspect ay sina Jomar Labog, 38 anyos, may- asawa, electrician at residente barangay San Fermin,Cauayan City; Samuel Valdez, 51 anyos, may- asawa, fruit vendor, residente ng Research Minante 1,Cauayan City; Esperidion Ermac, 57 anyos,may-asawa, tricycle driver st Lito Gabani,52 anyos, may asawa, helper, kapwa residente ng barangay District 1 Cauayan City; Eddie Vargay, 54 anyos at Bening Maranag, 45 anyos, kapwa tubong Catbalogan, Samar at Genald Cauilan, 33 anyos, may asawa at residente ng barangay San Fermin, Cauayan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ng impormasyon ang Cauayan City Police Station kaugnay sa nagaganap na iligal na pagsasabong sa nasabing compound.
Agad na tumugon ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station at nadatnan ang mga suspect na iligal na nagsasabong kaya sila ay hinuli.
Nasamsam sa naturang operasyon ang isang lalagyan ng tari, dalawang cock boxes na may tatlong tandang, isang tandang na may tari at namatay na tandang na may tari at bet money na umaabot P3,126.00 .
Nasa pangangalaga na ng Cauayan City Police Station ang mga suspect at inihahanda na ang mga kinauukulang dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Presidential Decree 449 o Cock Figthing Law.
Samantala, mariin namang itinanggi ng ilan sa mga nahuli na kasama sila sa mga nagsasabong.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Samuel Valdez, sinabi niya na nagtitinda siya ng saging at napadaan lamang siya sa naturang lugar dahil may tumawag sa kanya na isang babae para bumili.
Habang hinihintay ang bayad ng babae ay dumating naman ang mga pulis at sinabihan siyang huwag aalis.
Sinabi umano niyang hindi siya kabilang sa mga nagsasabong pero hinuli pa rin siya.
Aniya, marami ang nakatakas dahil nasa apatnapo ang nagsasabong kahapon.
Nakuha naman sa kanya ang perang kanyang pinagbentahan.
Dagdag niya na kahapon lamang niya nakita na may nangyayaring tupada sa naturang lugar.
Sinabi naman ni Esperidion Ermac na may hinatid lamang siyang pasahero sa naturang compound at dahil umuulan ay sumilong muna siya hanggang sa bigla na lamang may dumating na pulis at hinuli siya.
Wala naman aniyang nakuha na pera sa kanya dahil iniwan niya sa tricycle ang kanyang pera.
Iginiit rin niya na hindi siya nagsasabong.
Ayon naman sa isa pang nahuli, may ibinibigay lamang sa kanyang tuta pero dahil sa umuulan ay hindi siya makauwi kaya nanatili muna siya sa loob ng bahay ng nagbibigay sa kanya ng aso.
Iginiit din niya na hindi siya tumaya at nanood dahil nasa loob siya ng bahay.
Ayon naman kay Genald Cauilan, pupunta sana siya sa naturang sabungan pero dahil may mga nakita siyang pulis ay hindi na lamang siya tumuloy.
Habang nag-aabang ng tricycle ay hinuli rin siya.