BAGUIO CITY – Nadakip ang pitong katao kabilang ang dalawang benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) sa mgakahiwalay na operasyon laban sa iligal na sugal sa Tabuk City, Kalinga.
Unang naaresto si Ireneo Regaton Dumayas, 42-anyos, benepisaryo ng SAP at residente ng Appas, Tabuk City, Kalinga.
Naaktuhan ng mga otoridad ang paglalaro ng suspek ng “Pusoy Dos” ngunit nakatakas ang mga kasama nito.
Nakumpiska mula sa suspek ang P330 na taya at isang set ng braha.
Samantala, sa ikalawang operasyon, naaresto ang anim na katao sa Purok 5, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Nakilala ang mga ito na sina Vivian Luminio, 22-anyos, SAP beneficiary; Jacquelyn Acosta, Myrna Frias, Sherwin Simeon, Lea Alvarez, at Antonio Luminio.
Naaktuhan din ng mga atoridad ang paglalaro ng mga ito ng “Pusoy Dos” .
Nakumpiska mula sa mga suspek ang P1,215 na taya at ilang mga braha.
Nakasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa Presidential Decree 1602 o “Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling”.