-- Advertisements --

Inaresto ng Indonesian Police ang pitong militants na sangkot sa pagpaplano ng paglulunsad ng mga terror attacks.

Bukod sa mga naaresto ay napatay din nila ang isa sa mga suspek na may kaugnayan sa naganap na halalan noong nakaraang buwan.

Sinabi ni National Police spokesman Dedi Prasetyo, na isinagawa ang pag-aresto sa Bekasi malapit sa Jakarta at Bitung sa North Sulawesi Province.

Ang mga naaresto ay sinasabing miyembro ng Jamaah Ansharut Daulah o JAD.

Ayon pa kay Dedi na target ng grupo na manggulo habang isinasagawa ang halalan.