Bumagsak ang isang helicopter na may dalang pitong American nationals mula Grand Cay island sa Bahamas papuntang Fort Lauderdale sa Florida, USA.
Ayon sa salaysay ng Royal Bahamas Police Force, nawala umano ang nasabing helicopter pagkatapos magtake-off mula sa Grand Cay Island, at di kalaunan ay nagtagpuan ng mga residente malapit doon ang bumagsak na helicopter dalawang milya magmula sa nasabing isla.
Patay ang lahat ng sakay ng helicopter na may lamang 4 na kababaihan at 3 kalalakihan. Patuloy pang sinisiyasat ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Ngunit sa inihayag ni West Virginia Governor Jim Justice sa isang local newspaper doon na isa sa mga namatay ay si Chris Cline, na kung saan ay isang billionaire mining entrepreneur, coal tycoon at benefactor sa southern West Virginia.
Sa post ng gobernador sa kaniyang twitter account ay labis ang kaniyang pakikidalamhati sa pamilya ni Cline.
“Today we lost a WV superstar and I lost a very close friend. Our families go back to the beginning of the Cline empire – Pioneer Fuel. Chris Cline built an empire and on every occasion was always there to give. What a wonderful, loving, and giving man.”
Sa ngayon ay inaalam pa rin ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter at kasalukuyan itong iniimbestigahan ng Bahamian Police at ng Civil Aviation ng Bahamas.