Patay ang pitong magkakamag-anak matapos sumiklab ang sunog pasado alas-10 ng gabi sa Taytay Rizal.
Batay sa report, na trapped umano ang mga ito sa kanilang bahay sa Brgy. San Juan nang magsimulang kumalat ang apoy.
Kabilang sa mga nasawi ay ang dalawang taong gulang na bata, ito ang pinakabatang biktima habang ang pinakamatanda naman ay 60 years old na biktima.
Ayon kay Taytay Fire Marshal Inspector Raymond Cantillon, natagpuan ang mga katawan nito sa kusina at restroom na bahagi ng kanilang bahay.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Fire Station, sinubukan ng biktima na lumabas sa nasusunog nilang bahay ngunit nabigo ito.
Nagsimula ang sumiklab ang apoy bandang alas 10 ng gabi at idineklara itong fireout alas 11:05 ng gabi.
Nadamay naman sa sunog ang 40 na kabahayan habang 60 na pamilya naman ang naiwang walang tirahan.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog.