-- Advertisements --

Hindi bababa sa pito ang namatay habang 17 naman ang sugatan sa pagsabog ng isang gas pipeline sa Chittagong, Bangladesh.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, sumabog ang nasabing pipeline sa harap ng isang limang palapag na gusali at gumuho umano ang mga pader nito.

Ang mga nasugatang biktima ay dinala na sa Chattogram Memorial College Hospital at kasalukuyang isinasagawa ang search and rescue operation sa nasabing lugar.

Sa pinakahuling ulat, ayon kay police chief Mohammed Mohsin, nasa 25 na katao na ang dinala sa pagamutan at kasama na rin ang mga bombero sa pagsagip sa mga iba pang biktima.

Dalawa na mula sa 17 na sugatan ang patay.