-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang pitong katao matapos ang nangyaring pananambang sa Libmanan, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. Joash Pramis, chief ng Division of Pubic Affairs Office (DPAO) ng 9th Infantry Division, Philippine Army, sinabi nitong isa sa mga nasugatan ay sundalo, dalawa ang Cafgu habang apat naman ang sibilyan.

Aniya, tumulong lamang sa pagkukumpuni ang tropa sa nasirang pipeline sa lugar nang biglang sumabog ang isang improvised explosive devise (IED) na sinundan na nang palitan ng putok.

Tumagal ang bakbakan ng halos 15 minuto bago tuluyang tumakas ang tinatayang nasa 10 mga miyembro ng mga rebelde.

Samantala, agad namang isinugod sa ospital ang mga sugatang indibidwal.