-- Advertisements --
NAGA CITY- Sugatan ang pito katao sa karambola ng tatlong sasakyan sa Tiaong, Quezon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLtCol. Eufrenio Obong, hepe ng Tiaong-PNP, sinabi nitong kinasangkutan ang naturang mga aksidente ng dalawang tricycle at isang truck.
Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga pasahero ng tricycle habang wala namang nasaktan sa sakay ng truck.
Ayon kay Obong, biglang nagpreno ang nauunang tricycle kung kaya hindi na nagawang makapagpreno ng sumusunod na isa pang tricycle at truck na nagresulta sa pagkarambola ng mga ito.
Sa ngayon, nasa mabuting kalagayan na ang mga apektadong indibidwal.