DAVAO CITY – Idineklarang drug cleared na ang pitong local government units o LGU sa Davao Region. Pormal itong kinilala kahapon, sa Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing kon ROCBDC.
Dinaluhan mismo ni Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang distribution of plaques sa drug cleared LGUs na kinabibilangan ng Malalag sa Davao del Sur, Malita, at Sta. Maria in Davao Occidental, Talaingod at San Isidro in Davao del Norte, Boston sa Davao Oriental, at Mawab sa Davao de Oro.
Hinggil dito, umaasa si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na ipagpapatuloy ang regular dialogue ng concerned agencies sa mga barangay at importante rin ang visibility ng police personnel. Dagdag pa ng opisyal na kailangan ding magsagawa ng social investigation kung bakit may mga drug peddlers at kung ano ang nagtulak sa mga ito na pumasok sa illegal na gawain.
Samantala, sinabi ni PDEA XI Regional Director Aileen Lovitos, na ang pitong LGU, ang unang mga lugar sa Davao Region na na-cleared na sa illegal na droga. Bago paman din maikonsiderang drug cleared ang isang LGU, kakailanganin munang ikonsidera ang mga sumosunod, katulad ng no illegal drug supply, no illegal drug transit at shipment, no laboratories, no chemical warehouse, no marijuana cultivation sight, no drug den resort, no drug pusher, user, at protector sa bawat barangay nito.
Ibinunyag din ng opisyal na mula sa Isang libo at isang raan anim napu’t dalawang barangay sa Davao Region na isinailalim sa assessment, nasa 894 ang pumasa sa oversight committee.