Kabilang ang pitong celebrities ng bansa sa Forbes 100 list ng Asia-Pacific most influential celebrities on social media.
Binubuo ito nina Angel Locsin, Marian Rivera-Dantes, Kim Chiu, Anne Curtis, Vice Ganda, Kathryn Bernardo at Sarah Geronimo.
Kinilala si Angel Locsin ng Forbes dahil sa pagtulong nito sa panahon ng coronavirus pandemic.
Noong nakaraang taon kasi ay nakuha ng actress ang “Heroes of Philanthropy.”
Ang 36-anyos naman na si Marian ay kinilala ng Forbes dahil sa dami ng kaniyang social media followers kung saan mayroon itong 23 million followers sa Facebook.
Nakuha naman ni Anne Curtis ang dami ng followers sa kaniyang Instagram.
Nag-ingay din ang pangalan ni Kim Chiu dahil sa pag-viral ng pahayag nito na “Bawal Lumabas” kung saan ginawa pa itong kanta.
Gaya ng iba ay nakapagbigay ng nasa $5 million si Sarah Geronimo sa kaniyang COVID-19 benefit concert.
Habang ang actress na si Kathryn at Vice Ganda ay kinilala sa kanilang pagiging sikat sa local television.