CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa pitong mga Assorted high powered Loose Firearms ang isinuko ng mga opisyal ng Barangay sa probinsya ng Cotabato.
Ang mga armas ay nagmula sa Barangay Kitulaan,Manampan,Langogan,Nasapian,Manarapan,Kibayao at Brgy Tupig Carmen Cotabato.
Mismong ang mga Barangay Chairman ng pitong Barangay sa bayan ng Carmen ang nagdala at nagsuko ng mga baril sa 602nd Brigade Philippine Army.
Ang mga armas na isinuko ay kinabibilangan ng dalawang M14 rifles,tatlong M1 Garand rifles,dalawang US caliber 30 Carbine rifles,mga bala at magasin.
Ang pitong loose firearms ay pormal namang tinanggap nina 602nd Brigade Commander Colonel Jovencio Gonzales at 90th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lieutenant Colonel Rommel Mundala.
Ang pagsuko ng mga armas ay bahagi ng programang Balik Baril Program ng pamahalaan para paigtingin pa ang kampanya kontra loose firearms.
Nanawagan si Colonel Gonzales at Carmen Mayor Moises Arendain sa mga grupo o indibidwal na may hawak na mga loose firearms na isuko na sa mga otoridad.