CENTRAL MINDANAO – Pitong matataas na kalibre ng baril ang isinuko ng mga residente ng Pagalungan, Maguindanao sa Bravo (Badgers) Company, 90th Infantry (Bigkis Lahi) Battalion Philippine Army.
Ito ay resulta ng mas pinalakas na kampanya ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Pagalungan at 90th Infantry (Bigkis Lahi) Battalion para mabawasan ang mga loose firearms at nang hindi ito magamit sa girian at kriminalidad.
Ito na ang pangalawang bugso ng surrendered loose firearms sa bayan ng Pagalungan.
Matatandaan na una ng isinuko sa kanila noong December 23, 2020 ang 14 na matataas na kalibre ng baril.
Kabilang sa mga baril na isinuko sa ginanap na presentation of surrendered loose firearms ang mga sumusunod;
1)M14 Rifle w/ SN 231125,
2)M14 Rifle w/ Defaced SN
3)M14 Rifle with defaced SN
4)Garand Rifle w/ SN 2144149
5)Garand Rifle with SN 3771955
6)Carbine w/ magazine w/ SN 209794
7)Carbine w/ magazine w/ Defaced SN
Ginanap ang naturang aktibidad sa Pagalungan Session Hall na pinangunahan ni Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod, Vice-Mayor Abdilah Mamasabulod, 602nd Brigade commander Brigadier General Roberto Capulong PA, 90IB battalion commander Lieutenant Colonel Rommel Mundala INF (GSC) PA, First Lieutenant Roldan Bacagan (Inf) kasama ang mga municipal councilors at barangay officials sa lugar.