CENTRAL MINDANAO-Isinuko ng mga opisyal ng Barangay ang pitong mga matataas na uri ng armas sa probinsya ng Cotabato.
Ang pitong mga baril ay isinuko sa Joint Task Force Central (JTF Central) sa Brgy Ladtingan, Pikit, Cotabato.
Ayon kay 90th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lieutenant Colonel Rommel Mundala na ang mga armas ay galing sa mga Barangay ng Pamalian, Punol, Macasendeg, Damalasak, Kolambog, Silik at Pulangi Pikit Cotabato.
Ang mga armas na isinuko ay kinabibilangan ng dalawang (2) US Carbine Cal 30 rifle, (1) US Cal 30 M1 Springfield rifle,(2) M1 Garand Rifles at (2) M1917 Enfield rifles.
Nagpasalamat naman si 602nd Brigade Commander Colonel Jovencio “Joven”Gonzales sa mga opisyal ng pitong Barangay at LGU-Pikit sa suporta nito sa kampanya sa gobyerno laban sa mga loose firearms.
Hinikayat muli ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at JTFC Commander Major/General Juvymax Uy ang mga grupo o indibidwal na may tinatagong loose firearms na isuko na sa mga otoridad.