-- Advertisements --

Pitong lugar pa rin ang nananatili sa danger level ng heat index ngayong Abril 4, 2024.

Karamihan sa mga ito ay nasa Luzon, habang may ilan namang mula sa Visayas at isa sa Mindanao.

Narito ang mga lugar na binabalaan dahil sa mapanganib na init na mararanasan:

Dagupan City, Pangasinan – 42°C

Sangley Point, Cavite – 42°C

Puerto Princesa City, Palawan – 42°C

Pili, Camarines Sur- 42°C

Dumangas, Iloilo – 42°C

Catarman, Northern Samar – 43°C

Zamboanga City, Zamboanga del Sur- 42°C

Patuloy na paalala ng health authorities na iwasang lumabas sa direktang sikat ng araw kung hindi naman lubhang kinakailangan, para makaiwas sa mga sakit na kaakibat ng mainit na panahon.