-- Advertisements --
Itinaas na ang tropical cyclone wind signal number one sa ilang lugar sa Northern Luzon dahil sa Bagyong Ineng.
Kabilang sa mga ito ang Batanes; Cagayan, kasama ang Babuyan Group of Islands; Isabela; Apayao; Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 725 kilometers sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour (kph).
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 90 kph.
Sa ngayon, tumatama na ang outer rainband ng sama ng panahon sa Northern Luzon.