-- Advertisements --

Patay ang pitong magkakamag-anak matapos na matabunan angkanilang bahay sa Nueva Vizcaya sa kasagsagan ng bagyong Pepito.

Ayon sa disaster office ng nasabing probinsiya na naganap ang insidente sa Barangay Labang sa bayan ng Ambaguio.

Gumuho ang bundok sa tabi ng bahay na kinaroroonan ng mga biktima.

Nailigtas ang tatlong biktima subalit hindi na nakaligtas ang pitong iba pa.

Sinabi ni Nueva Vizcaya Governor Jose Gambito na mula pa noong Biyernes ay ipinag-utos nito ang mass evacuation dahil sa banta ng bagyo.