BAGUIO CITY – Arestado ang pitong drug users habang sinira ng mga otoridad ang aabot sa P300-K na halaga ng mga marijuana plants sa magkakaibang operasyon laban sa iligal na droga dito sa rehiyon Cordillera.
hinuli ng mga pulis ang pitong magsasaka matapos maaktuhan ang pagpa-pot session o paggamit ng mga ito ng iligal na droga sa isang barong-barong sa Cayapas, Baculongan Sur, Buguias, Benguet.
Nakilala ang mga ito na sina Amado Dolinen, 39; July Manuel, 33; Menandro Pa-ay, 29; Paul Mitas, 20; Elvis Mocate, 30; Enan Batio-an, 23 at Eldito Alicwadey, 32.
Nakumpiska din sa mga ito ang 12 pakete ng pinaniniwalaang shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.
Samantala, binunot at sinunog ng mga otoridad ang aabot sa P300-K na halaga ng higit 3,300 na mga marijuana plants sa mga Barangay ng Tacadang at Palina sa bayan ng Kibungan, Benguet sa loob ng tatlong araw na marijuana eradication operation.