-- Advertisements --

Inaasahang makakatulong para maresolba ang trapiko sa Metro Manila sa oras na matapos na ang 7 malalaking infrastructure project ayon sa Department of Transportation.

Kaugnay nito, tinalakay ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang long-term benefits ng mga proyekto sa pagpupulong sa Bagong Pilipinas Townhall kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa San Juan city.

Kabilang na dito ang nagpapatuloy na konstrukisyon ng railway systems gaya ng Metro Manila Subway na magbibigay ng permanenteng solusyon sa problema sa trapiko sa metropolis.

Gayundin ang iba pang train projects kabilang ang MRT-7, LRT-1 Cavite Extension at ang North-South Commuter Railway (NSCR) System.

Inaasahan na makukumpleto ang Metro Manila Subway sa taong 2029, ang MRT-7 naman ay sa susunod na taon at inaasahang sisimulan naman ang operasyon ng LRT-1 Cavite extension bago matapos ang 2024.

Inaasahan ding makumpleto ang North-South Commuter Railway System sa 2029 na magkokonekta sa Metro Manila patungo sa Bulacan at Pampanga sa norte at sa Laguna sa timog. Sa oras naman na maging operational na ito, inaasahang kaya nitong maserbisyuhan ang 800,000 pasahero kada araw.

Mayroon ding nagpapatuloy na proyekto para pag-ibayuhin pa ang EDSA Busway at EDSA Greenways Project na inaasahang makukumpleto sa 2027.