-- Advertisements --

ROXAS CITY – Ligtas na ang pitong mangingisda na sakay ng tatlong sakayang pangisda matapos nakasampay sa baybayin ng Barangay Cantil, Balud, Masbate.

Kinumpirma ni Kapitan Bebot Ubidos na nasa evacuation center ngayon ng nasabing barangay ang mga tripulante na sina Robert Donton at Clen Tulio ng FB Roselyn; Emilio at Gilbert Donton ng FB Remark at Jolly Baylon, Jory Donton at Oscar Apayong ng FB Bon-Bon pawang mga residente sang Barangay Casanayan, Pilar, Capiz.

Ayon sa opisyal na alas 3 kaninang madaling araw ng sumampay ang nasabing mga mangingisda sa baybayin kung saan tinulungan sila ng mga residente pinakain at binihisan.

Napag-alaman na walang naisalbang gamit ang mga mangingisda kung saan isa sa kanilang sakayan pangisda ang totally damaged matapos hinampas ng malakas na alon dala ng bagyong Dante.

Sa ngayon ay inaayos na nila ang kanilang sakayan pangisda na siya nilang gagamitin sa pag-uwi sa Barangay Casanayan, Pilar, Capiz.