-- Advertisements --

ROXAS CITY – Pito sa walong mayoralty candidates sa Roxas City ang dumalo sa Debate sa Bombo 2019 na isinagawa sa broadcast center ng Bombo Radyo Roxas.

Kabilang sa mga ito sina Mercedes “Cheding” Bermejo, dating City Vice Mayor Atty. Ronnie Dadivas ng Liberal Party, Francis “Toto” Amado Lim ng Hugpong Ilonggo sa Pagbag-o (HIP), dating public administration professor at chief administrative officer ng dating Panay State Polytechnic College at ngayon ay Capiz State University Dr. Oliva Bataan, Engineer Edmond Sia, dating City Disaster Risk Reduction and Management Office Action Officer Rommel Lastimoso at Doming Belonio.

Sa nasabing debate ay binigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na maipresenta ang kanilang plataporma de gobyerno para maipaabot sa publiko ang kanilang mga plano sakaling mahalal na alkalde ng Roxas City.

Sinagot rin ng mga mayoralty candidates ang ilang mainit na issue na kinakaharap ng Roxas City at kung ano ang kanilang magagawa para masolusyunan ang problema sa iligal na droga, basura at kriminalidad.

Samantala naging sentro ng debate ang patutsadahan nina Atty. Ronnie Dadivas at Rommel Lastimoso, kung saan off air ay nagpasaringan ang dalawa ngunit umapela ang isang mayoralty candidate na si Belonio na tigilan na ang pagbatuhan ng isyu at hintayin na lamang ang desisyon ng publiko kung sino ang kanilang iboboto sa May 2019 midterm elections.