-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 22 10 19 45

ROXAS CITY – Nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang pitong miyembro ng pamilya ng isang negosyante Sitio Kagitingan, Barangay Cagay, Roxas City.

Ito’y kinumpirma mismo ni City Mayor Ronnie Dadivas sa kanyang inilabas na official statement sa pamamagitan ng facebook post.

Ayon kay Dadivas na apat na mga anak na lalaki, asawa at manugang na babae ng naturang negosyante ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na isinailalim sa Real-Time Polymerase Chain Reaction o RT-PCR Test.

Nabatid na una na isinailalim sa strict home quarantine ang magpamilya noong Agosto 16.

Dahil dito, ipinasarado ng naturang alkalde ang Burgos Talipapa kung saan nagtitinda at madalas na pumunta ang mga nagpositibo.

Maliban dito, isinailalim rin sa lockdown ang Sitio Kagitigingan, Barangay Cagay nitong lungsod kung saan naninirahan ang mga nagpositibo upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.