-- Advertisements --
Sinampahan ng kasong kidnapping ng Philippine National Police (PNP) ang pitong miyembro ng Las Piñas police matapos umanong dukutin ang isang drug suspek at humingi ng ransom sa pamilya kapalit ng kalayaan nito.
Ayon sa biktima na kailanman hindi siya gumamit ng iligal na droga pero inaming nagbenta ng pekeng marijuana.
Dahil sa pagkakasangkot ng apat na pulis sa pagdukot at pangingikil sa isang drug suspek, sinibak sa puwesto si Las Piñas police chief S/Supt. Marion Balonglong.
Ayon kay NCRPO chief P/Dir. Guillermo Eleazar, ang pagsibak sa tungkulin kay Balonglong ay dahil sa command responsibility.
Nauna nang sinibak sa pwesto ni Eleazar ang 36 police personnel ng Las Piñas City Police Station Drug Enforcement unit kabilang ang hepe nito.