-- Advertisements --
KALIBO CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya matapos matagpuang patay ang isang buntis sa isla ng Boracay.
Kinilala ang babae na si Jinky Tana, 23-anyos, at residente ng Brgy. Manocmanoc.
Batay sa salaysay ng live-in partner nito na si Sherwin Bantang, patay at nakasabit na sa lubid ang kanyang kasintahan nang matagpuan niya sa kanilang tinitirhang bahay.
Naisugod pa raw sa Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital ang pitong buwang buntis pero idineklara ring dead on arrival.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita umano mula sa crime scene ang isang suicide note na tila mula kay Tana.
Inaalam naman ng mga otoridad kung may naganap na foul play sa naturang insidente.