DAVAO CITY – Suspendido ngayong araw na ito Hwebes December 16, 2021 ang klase sa lahat ng level mula elementarya hanggang kolehoyo sa lahat ng mga pribado at pamublikong mga paaarakan sa probensoya ng Davao de oro.
Batay sa Memorandom order na pinirmahan ni Davao de Oro Governor Jayvee Tyron Uy, kinakailangan na suspendihin ang klase ng mga estudyante upang maka-iwas sa masarang epekto na dala ng bagyong Odette.
Sa kabilang dako, isina-ilalom din sa Typhoon Warning signal Number 1 ang pitong mga munisipyo na sakop ng probensoiya sa davao de oro na kinabibilangan ng Laak, Mawab, Montevista, Nabunturan, Monkayo, New Bataan, at Compostela.
Sa ngayon, apektado ang buong Davao Province sa malakas na hangin at mga pag-ulan na posibleng magreresulta sa mga flasfh floods at land slides.