-- Advertisements --
NBI

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na naaresto nila ang pitong indibidwal na umano’y sangkot sa pagbebenta ng mga pekeng titulo ng lupa.

Kinilala ng NBI- Dagupan District Office ang mga nahuling suspect na sina CORAZON LANGIT IDIO-VILLEDO,ROGELIO DE GUZMAN MARTINEZ , CORNELIO VELASQUEZ MEJIA, DANILO ANDAYA, BERNARD TANDOC, SONNY FERNANDEZ at ARTURO CASTRO.

Silang lahat ay naaresto sa isinagawang operasyon ng mga operatiba sa Dagupan City.

Mahaharap sa mga kasong may kinalaman sa Article 315 o Estafa at Article 171 o Falsification by Private Individuals and Use of Falsified Documents sa ilalim ng Revised Penal Code.

Ang mga nabanggit na subject ay nagbenta umano ng lupa na nakapangalan kay Lourdes V. Tan.

Napag-alaman ng complainant na ang totoong Lourdes V. Tan ay nakatira sa US at ang ipinakitang dokumento ng naturang suspect ay peke.

Kaagad naman na nagsagawa ng operasyon ang NBI na nagresulta sa agarang pagkaka-aresto sa mga suspect.