-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Umaabot na sa pito ka tao na mga bakwit sa lindol ang nasawi sa mga evacuation center sa Kidapawan City.

Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Modesto Bayawan,Bernabe Damali,Junior Laman,Jun Laman,Reyame Madiandang,Aya Ocosan at Brix Mallari,mga bakwit sa Brgy Ilomavis Kidapawan City.

Nang tumama ang sunod-sunod na lindol ay lumikas ang mga biktima dahil nasa high risk areas ang brgy Ilomavis na nasa paanan lamang ng Mount Apo.

Nagsiksikan ang mga bakwit sa mga temporary shelter at natutulog lamang gamit ang sako o laminated sacks.

Ang mga binawian ng buhay ay dati na umanong may sakit at lumala lamang ito habang nananatili sa evacuation center.

Sobrang lamig tuwing gabi at mainit naman tuwing araw na tinitiis ng mga bakwit kaya ilan sa kanila ang nagkakasakit.

Nangungunang sakit na naitala sa mga evacuation center ay ubo,sipon at LBM.

Nabigyan na din ng gamot ng City Health Office ang mga nagkakasakit na karamihan ay mga matatanda at mga bata.