-- Advertisements --
Honda Bay Palawan
Honda Bay Palawan

Nailigtas ang limang miyembro ng pamilya at dalawang crew members matapos ang pagtaob ng sinakyang nilang bangka sa karagatan ng Puerto Princesa, Palawan.

Nagsasagawa ng island hoping ang magkakamag-anak sa Honda Bay ng ang kanilang sinakyang bangkang “Mart Grace 1” ay tumaob.

Mabilis namang nakapag responde ang mga kasapi ng Philippine coast guard at nailigtas ang mga biktima.

Itinuturong dahilan ng pagtaob ay ang malakas na mga alon dulot ng tropical depression Marilyn.