-- Advertisements --

NAGA CITY- Pitong bagong confirmed cases ng COVID-19 ang naitala sa Bicol Region.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, nabatid na pumalo na sa 162 ang kabuuang bilang ng naturang sakit habang 78 dito ang active cases.

Ang nasabing mga bagong kaso ang pawang mula sa Camarines Sur kung saan ang anim dito ang mula sa lungsod ng Naga.

Tatlo sa nasabing bilang ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs), ang isa ay health worker habang ang iba ay may close contacts sa naunang COVID-19 positives.

Samantalang, epektibo na rin sa ngayon ang ibinabang Executive Order ni CamSur Gov. Migz Villafuerte kung saan layunin nitong ipatupad ang strict border control kagaya ng ECQ border control standards.

Mahigpit ding ipapatupad ang no health certificate, no entry sa naturang lalawigan.

Ang mga taong mapapayagang makapasok sa lugar, ang agad na ipapasailalim sa rapid diagnostic testing base sa assessment ng Provincial Incident Management Team.