BAGUIO CITY – Sumuko sa pamahalaan ang pitong kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na may operasyon sa Mountain Province.
Ihinarap ang mga ito publiko sa isinagawang mass surrender ceremony sa headquarters ng Mountain Province Police Provincial Office (PPO).
Ayon kay Col. Clarence Casillo, provincial director ng Mountain Province PPO, ang pagsuko ng mga nasabing rebel returnee ay bunga ng Retooled Community Support Program ng Mountain Province Provincial Task Force – End Local Communist Armed Conflict.
Pinangunahan ni Mountain Province Governor’s Office Executive Assistant Winston Calde ang oath of allegiance ng mga rebel returnee na sinundan ng paglagda ng mga ito ng oath of allegiance.
Napag-alamang isinuko din ng mga dating rebelde ang anim na mga baril.
Ayon kay Col. Casillo, sasailalim ang mga dating rebelde sa profiling para sa pag-avail ng mga ito sa Enhanced – Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.