-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sobrang gutom at pagod na sa pakikibaka laban sa gobyerno kaya sumuko ang pitong mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.

I-prenesinta mismo ng 39th Infantry Battalion Philippine Army ang pitong rebelde kay 10th Infantry Division Chief,Major/General Reuben Basiao.

Ang mga rebelde ay kumikilos sa bahagi ng bayan ng Magsaysay at Matanao Davao Del Sur, kasama na ang Makilala North Cotabato.

Sumuko ang mga NPA sa 39th IB sa Balik Loob Program ng militar.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas, mga bala at mga magazine.

Tatanggap ng tulong pinansiyal at livelihood assistance ang mga NPA sa ilalim ng Enhanced – Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Hinimok naman ni M/Gen Basiao ang mga NPA at mga Armed Lawless Group (ALG) na sumuko na at tutulungan sila ng gobyerno sa kanilang pagbabagong buhay.