7 opisyal ng Sangguniang Bayan ng Tinambac, Camarines Sur pinatalsik ng Ombudsman sa kanilang pwesto; 5 disqualified na sa pagtakbo sa 2022 elections
Pinatalsik ng Ombudsman sa kani-kanilang mga pwesto ang pitong opisyal sa Sangguniang Bayan ng Tinambac, Camarines Sur kasama na ang limang konsehal at dalawang dating Municipal Councilors ng nasabing bayan.
Kinilala ang nasabing mga opisyal na sina Municipal Councilors June Barrion, Glenn Abiog, Giuseppe Prades, Jona Geronimo, Veridiana Cortan, at former Municipal Councilors Celeste Delos Angeles at Oscar Brioso.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga napag-alaman na naharap sa dismissal sa kanilang mga pwesto at pagbabayad ng penalidad ng perpetual disqualification sa paghawak ng anuman na pwesto o opisina ng gobyerno ang nasabing mga opisyal.
Ito’y matapos ang naging desisyon ng Ombudsman na ang nasabing mga opisyal ay napatunayang administratively liable for Grave Misconduct and Grave Abuse of Authority/Oppression.
Kasama naman sa mga penalidad na kakaharapin ng mga ito ang (a) Dismissal from Service (b) Forfeiture of retirement benefits (c) Perpetual disqualification from holding public office (d) Cancellation of Civil Service eligibility (e) Bar from taking Civil Service examinations.
Samantala, ang mga dating opisyal naman na sina Delos Angeles at Brioso ay mahaharap sa penalidad na katumbas ng kanilang mga sahod sa loob ng isang taon. Sa ngayon, ang limang incumbent municipal councilors ay inalisan na ng karapatan na tumakbo sa darating na May 9, 2022 elections.