-- Advertisements --

pcg1

Target ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumili ng pitong Airbus helicopters para paigtingin pa ang maritime and air capabilities nito lalo na sa panahon na mayruong natural disasters.


Ayon kay PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr, na bukod sa mga barko kailangan din nila ang aircraft para sa gagawing search and rescue (SAR) operations, lalo na sa panahong ng Bagyo at kapag may na distress na mga barko sa karagatan na humihingi ng tulong.

Sinabi ni Ursabia, napaka effective ng Airbus helicopter kaya nais nilang mag acquire pa ng ganitong air assets.

Sa ngayon, may dalawang multi-purpose airbus H145 light twin-engine helicopter ang Phil Coast Guard na minamandohan ng Coast Guard Aviation Force.

pcg2

Nuong October 14, na commissioned into service na ang CGH-1451 na mas advanced kesa sa naunang unit na na-commissioned apat na buwan na ang nakalilipas.

Ang CGH-1451 ay isang four-tonne-class twin-engine helicopter equipped with infrared camera, weather radar, bambi bucket, emergency floatation gears, at may external loudspeaker para makapag perform sa mga critical missions gaya ng search and rescue, maritime patrol, law enforcement, at fire-fighting.

Ang nasabing aircraft ay may kakayahan na mag land sa karagatan sa sandaling magkaroon ng malfunction ang engine nito.

Napatunayan na rin ang capability ng CGH-1452 sa isinagawang humanitarian missions bilang suporta sa pamahalaan sa paglaban sa COVID-19.

Samantala, naka alerto pa rin ang Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWLZN) sa pamumuno ni Commodore Genito Basilio matapos maglandfall kahapon ang Bagyong Pepito.


Nakadeploy pa rin sa ngayon ang kanilang mga Deployable Response Groups (DRGs) sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.