-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagtala ng pitung panibagong nagpositibo sa COVID-19 ang Cauayan City nitong Biyernes.

Ang naitalang panibagong nagpositibo sa virus na sina patients CV2578, CV2579,CV 2580 at CV2581 ay magkakapamilyang may pwesto sa baratilyo sa palengke na residente ng Barangay San Fermin at Barangay District 1.

Lahat sila ay nakaranas ng sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, sipon, pananakit ng lalamunan at hirap sa paghinga.

Inaalam pa kung saan maaaring nahawa ang mga nagpositibo sa virus.

Pansamantalang isinara o itinigil ang operasyon ng nasabing baratilyo sa palengke.

Ang iba pang nagpositibo sa virus ay si CV2582, lalaki, 64 anyos, may-asawa at residente ng Barangay Nagrumbuan…

Siya ay Biyenang lalaki ng nagpositibong si CV2446, asymptomatic o hindi nakaranas ng anumang sintomas ng virus.

Pang-anim ay si CV2583, babae, 45 anyos, may-asawa at residente ng District 1, Cauayan City.

Siya ay nawalan ng panlasa noong October 17, 2020 kaya siya ay agad nagreport sa barangay na isinailalim sa swab test noong Oct. 21, 2020 .

Pampito si CV2584, babae, 28 anyos , may-asawa at residente ng Barangay District 1, Cauayan City. Siya ay nakaranas ng pananakit ng lalamunan, kawalan ng panlasa at pang-amoy noong Oct. 17, 2020.

Siya ay nagreport sa City Health Office at kinuhanan ng sample noong Oct. 21, 2020.

Dahil dito umakyat na sa 50 active cases dito sa Cauayan City batay sa talaan ng DOH region 2

Nagsasagawa na ng contact tracing ang kawani City Health Office upang matukoy ang pinagmulan ng exposure at iba pang direct contacts ng mga nagpositibong pasyente.