-- Advertisements --

Nasa pitong katao ang nasawi habang 14 ang nawawala matapos ang paglubog ng fishing trawl sa karagatan ng Canada.

Ang 24 na crew ay binubuo ng 15 na Spanish, isang Peruvian at Ghanaian nationals ang lulan ng nasabing fishing trawl.

Nakabase ang bangka sa Marin Port sa Galicia Spain ng ito ay lumubog sa Newfoundland sa Canada.

Ayon sa mga otoridad nakatanggap sila ng dalawang distress alerts sa mahigit 450 kilometers sa lupain.

Nasagip naman ng mga rescuers ang tatlong crew habang patuloy ang ginagawang paghahanap nila sa ibang mga nawawalang fishing crew.