Kinumpirma ng Ukrainian officials na pitong indbidwal ang nasawi kabilang ang anim na taong gulang na batang babae habang nasa 144 ang sugatan kung saan 41 dito ang kasalukuyang ginagamot sa hospital matapos magpakawala ng missile ang Russoa sa central square sa siyudad ng Chernihiv.
“I am sure our soldiers will give a response to Russia for this terrorist attack,” pahayag ni Ukrain President Volodymyr Zelenskiy.
Inihayag ni Zelenskiy na sa 144 na sugatan 15 dito mga bata.
Pinangalanan din nito ang nasawing batang babae na si Sofia.
Ayon naman kay Interior Minister Ihor Klymneko na kabilang sa mga nasugatan ay ang 15 police officers.
Karamihan sa mga biktima ay nasa sasakyan at binabagtas nila ang daan.
Sinabi ni Zelenskiy na ang missile attack sa Chernihiv, na isang lungsod ng mga madahong boulevard at mga siglong gulang na simbahan na mga 145 km (90 milya) sa hilaga ng Kyiv, ay kasabay ng Orthodox holiday ng Feast of the Transfiguration of the Lord.
Nagkalat ang mga debris sa isang parisukat sa harap ng nasirang teatro at nakapalibot na mga gusali, kung saan ang mga nakaparadang sasakyan ay lubhang napinsala.
Isang 63-anyos na nagbigay lamang ng kanyang unang pangalan, Valentyna, ang nagpakita ng nasirang balkonahe sa kanyang apartment sa tapat ng teatro.
“It is horrific. Horrific. There were wounded, ambulances and broken glass in here. Nightmare. Just nightmare,” pahayag ni Valentyna.