DAVAO CITY – Patay ang pito ka tao, habang dalawa ang grabeng nasugatan at sampu pa ang patuloy na pinaghahanap dahil sa naganap na land slide sa Purok 20,Pag-asa,Barangay Mt. Diwata,Monkayo,Davao de Oro pasado alas dose kaninang hapon lamang.
Inihayag ni Jergrace Cabag, information officer ng Monkayo na gumuho ang lupa sa naturang lugar na isang mining area dahil sa walang humpay na pag-ulan simula pa nuong araw ng Lunes.
Dagdag pa nito na nahirapan ang mga rescuers sa pagkuha sa katawan ng mga biktima dahil patuloy ang pagguho ng mga lupa kaya temporaryo munang inihinto ang search and retrieval operations.
Maliban sa naturang lugar, naitala rin ang iilan pang mga landslides at grabe na mga pagbaha sa Davao de Oro kung saan libo-libong mga pamilya na ang pinalikas.
Dagdag pa ng opisyal na bago naganap ang landslide, isinagawa ang isang prayer meeting sa isa sa mga bahay na natabunan rason kung bakit marami ang mga naging biktima na umabot ng 13 indibiduwal.