-- Advertisements --
Ifugao vehicualr accident 2

CAUAYAN CITY – Nag-iwan ng pitong kataong patay ang pagkahulog ng isang elf truck sa bangin kaninang umaga sa Sito Muntonop, Ubao, Aguinaldo, Ifugao.

Ang sasakyan ay galing sa Majlong, Aguinaldo, Ifugao at papunta sana sa isang libing sa Ubao, Aguinaldo, Ifugao, nang mahulog sa bangin matapos umanong mawalan ng preno.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Ricardo Dumangeg, hepe ng Agunaldo Police Station, kinumpirma niya na pito ang nasawi sa naganap na aksidente habang tatlo ang nasugatan.

Magkakamag-anak ang mga namatay at nasugatan na pawang residente ng Aguinaldo, Ifugao.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Fredilyn Ponchao, ang mga namatay ay ang driver na si Joey Tambiag, misis na si Divina, Whilma Chumatog, Josephine Uhuban, Ricky “Ngettet” Chog-ap, Rosita Paynohon, pawang residente ng Majlong, Aguinaldo, Ifugao; at Vicente Buyag-ao, residente ng Timboan Bunhian, Aguinaldo, Ifugao.

Ang mga nasugatan na ginagamot sa ospital ay sina Artist Paynohon, Kimberly Joy Tambiag at Fernando Bahiwag, pawang residente ng Aguinaldo, Ifugao

Patuloy ang imbestigasyon ng Aguinaldo Police Station para malaman ang tunay na dahilan ng pagkahulog sa bangin ng truck na pag-aari ng nagngangalang Jordan Pinagod ng Majlong, Aguinaldo, Ifugao.