-- Advertisements --

LA UNION – Pitong katao ang namatay habang mahigit sa 10 ang mga sugatan sa nangyaring sunog sa isang flat building sa Hong Kong, pasado alas-8:00 ng gabi nitong nakalipas na Linggo.

Ito ang ibinalita ni Bombo international news correspondent Emily Miranda sa Bombo Radyo La Union.

Iniulat niya na karamihan sa mga namatay ay Napalese na kinabibilangan ng apat na lalaki at tatlong babae.

Ilan naman sa mga sugatan ay kritikal ang kanilang kondisyon sa iba’t ibang pagamutan.

Ayon pa kay Miranda, wala umanong Pilipino na nadamay sa mga naging biktima, dahil Nepalese ang karamihan na nakatira sa naturang apartment building.

Sa ngayon, hindi pa binanggit ng mga kinauukulan ang sanhi ng sunog.