-- Advertisements --

Patay ang pitong katao matapos na sila ay masagasaan ng mga nagka-karerang sasakyan sa Sri Lanka.

Nangyari ang insidente ng lumagpas sa race track ang kotse sa bayan ng Diyatalawa.

Kabilang sa nasawi ang apat na race officials at mga manonood kasama ang walong taong gulang na batang babae.

Sugatan naman ang 18 katao na dinala na ang mga ito sa pagamutan.

Ang nasabing karera ay inorganisa ng Sri Lankan military na may academy sa Diyatalawa.

Nasa mahigit 100,000 katao ang nanood kung saan nagsasagawa na ang mga otoirdad ng imbestigasyon sa nangyaring aksidente.