Personal na sumuko sa kapulisan ang suspek na pumaslang sa pitong katao sa Antipolo, Rizal.
Pawang mga kasamahan ng suspek sa panaderya ang mga biktima kung saan dalawa sa mga dito ay menor-de-edad.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo City Police na may nakarinig na humihingi ng tulong subalit dahil sa dis-oras na ng gabi ay umaga na lamang nila nakita ang insidente.
Ka-sosyo ng suspek ang master baker kung saan ito ay sumuko sa kapulisan sa Camp Crame.
Sabi ng suspek na inunahan lamang niya ang mga biktima dahil sa plano nila siyang patayin.
Pinainom niya ang mga ito dahil sa kaniyang kaarawan at doon isinagawa ang krimen.
Isinasailalim na ng kapulisan sa otopsiya ang mga biktima at nangangalap ang mga ito ng kuha ng CCTV sa mga lugar.