Pumalo sa kabuuang 606 ang bilang ng mga nasangkot sa aksidente sa kalsada sa nakalipas na holiday season sa Pilipinas base sa datos mula sa 8 Pilot sites na binabantayan ng Department of Health para sa Road Traffic Incidents mula noong Disyembre 22, 2024 hanggang ngayong araw, Enero 3, 2025.
Kung saan 7 dito ay nasawi, karamihan o nasa 4 ang patay dahil sa motorcycle accident.
Mula sa kabuuang bilang, 115 sa naaksidente ay nakainom ng alak, 527 ang hindi gumamit ng safety accessories tulad ng helmet at seatbelt, habang 433 ay sanhi ng motorcycle accidents.
Samantala, ayon sa DOH, inaasahan na unti-unti ng babalik sa regular traffic ang sitwasyon sa mga kakalsadahan matapos ang mahabang holiday season.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang ahensiya sa publiko na manatiling disiplinado.
Muling ipinaalala rin ng DOH ang pagsusuot ng safety gears gaya ng helmet at seatbelt, iwasan ang overspeeding, sundin ang mga traffic sign, magkaroon ng sapat na pahinga bago magmaneho at huwag uminom ng alak kapag magmamaneho upang maiwasan ang aksidente.